More you might like
OCTOBER 10 & 11,2015
~ Saturday, walang pasok si Michael. Kaso late na namin nalaman kaya nung nag jogging kami nila mommy, hindi siya nakasama. Pero sobrang miss ko siya kaya sabi ko punta siya nang 1pm. Ayun, pumunta naman. Heehee! Nag UP ulit kami with my family tapos kumain sa King Chef. Sobrang saya kasama nang mga taong mahal na mahal mo. =)) Haaay!
Nung sunday naman, pumunta kami skanila nang maaga kasi kala namin mag la-lunch. Tapos yun pala dinner. :) Birthday kasi ni Patrick. nag decide nalang muna kami pumunta nang Cubao para mag pagupit siya tas bumalik kami SM north. Nag ikot ikot kami. Tas mga 5pm dumating na family niya nagdinner kame kaagad. :) Kumain kami sa MESA. Masarap kasi doon e. Tapos ayun, nag uwi kami nang ice cream samin para sa mga bata. :)
Girls, why?
~ Bakit ganon? May mga babae talagang hayok na hayok magka-boyfriend. Parang feeling nila sobrang lungkot nang buhay kapag walang boyfriend. Srsly? Bakit? Ang dami ko nababasang ganon mapa-twitter o facebook. Minsan gusto ko i-unfollow eh, kaso kakilala ko kaya wag nalang. Nakakainis lang kasi ung iba, estudyante pa, tapos puro ganon ung iniisip. Eh sa walang nagkakagusto sayo e. Hindi ka ba nadadala? 😂😂 Kapikon.
WEEKEND
October 03,2015 ~
// Nag date kami kasama ang aking family. Nag eastwood kami tapos Lilac. Kumain kami sa tomagoya ata yon. Ramen house. 😀 Mas masarap padin sa Ramen Nagi. 🍲 Heehee! May inorder ako skanya, hindi masarap pero naubos din. Haha! Ganon siya. Ayaw niya kasi nag aaksaya nang pagkain. 👌🏼
October 04,2015 ~
// Nag jogging kami sa UP. Actually, siya lang. Hahaha! Nag walking lang ako. Madali kasi ako mapagod gawa nang asthma. Hindi ko talaga siya masabayan eh. Haha, kaya ginagawa niya pag nakaikot na siya, jogging or walking naman siya pabalik sa akin! 😁😁 Tapos ibibili na niya ako nang taho or karyoka. Haha, tapos pupunta na kami skanila. Para makasama din namin family niya. Nood kami movie or sasama mag grocery. Weekly kasi nag ggrocery family niya eh. Tapos mga after lunch, uuwi na kami samin. Aalis naman kami kasama family ko okaya doon lang kami sa bahay nang lola ko, magluluto si mami tapos ung mga pinsan ko, kami ni Michael, tita ko at boyfriend ni tita nag ggames. Haha! Ang saya saya nang weekend namiiiin!! ❤️ Sobrang balance ung time para saming dalawa, sa family niya, at sa family ko.. 😀
October 02,2015
~ Umabot kami sa Heneral Luna! Hay. Sobrang gusto ko ‘to mapanuod kaso ang dami na kasi naming gastos ni Michael. Ang daming magagandang movies eh. Bumili ako dvd nito kaso feeling ko pang sine talaga 'to at sobrang worth it ang ibabayad namin! Haha, kala ko hindi kami aabot ngayon. Baka kasi wala na sa sinehan 'to eh. Buti nalang meron pa. Hindi ko nga ineexpect na manunuod kami, ibang klase lang talaga bumawi 'tong si Michael. Nung October 1 kasi halos hindi kami nakapag usap/text eh. Tapos kaninang lunch na siya nagtext saakin, sabi niya manunuod daw kami after niya sa Nuvali. May site visit kasi sila. Hindi ako nag eexpect syempre kasi baka gabi na siya makauwi. Friday kasi eh, baka trapik. Pero mga 4pm nasa Makati na sila. At ayun, nasa mega mall kami nila mami. Syempre, pinuntahan niya ako. Doon na kami nanuod tas sila mami nag gala. May kasama kasing mga bata. Eh bawal pa skanila un movie. 😊😊 Sobrang ganda nang movie! Grabe! Ibang klase 'to! Sobrang worth it!
PAST, PRESENT, FUTURE โค๏ธ
~ Lahat ‘to si Michael. Kapag may naiisip akong ex, siya lang pumapasok sa isip ko. Feeling ko nga wala naman akong ibang naging boyfriend eh. Hehe! Siya at siya lang. Hindi ko alam pero sobrang iba yung saya ko skanya. Hayy, wala e. True love na talaga 'to! Wala na akong masabi. Nabblanko ako. Grabe, sobrang excited ako sa future namin. Yung gigising ako sa araw araw na siya yung una kong makikita at makakausap. Siya yung kayakap ko. Siya yung ipaghahanda ko nang breakfast. Tapos pag uwi niya galing work, nakapag luto na ako nang dinner. Aayusin ko susuotin niyang damit. Ganon, hay. Ang sarap sa pakiramdam non.. Kahit tamad ako, basta siya yung aalagaan ko, okay lang saakin. ❤️ hihi
Nhey โค๏ธ
~ Iba padin kapag tinatawag niya ako nang nhey kesa sa mahal. Kapag nhey yung naririnig ko gusto kong umiyak. Umiyak sa saya! ❤️ Hay, yun kasi talaga yung tawagan namin dati. Sobrang nasa puso ko yun kesa sa mahal.. Hindi ko siya msyado tinatawag na mahal kasi mas okay saakin yung nhey. Feeling ko hindi kami nag hiwalay. Sobrang iba yung impact lalo na kapag galing skanya. 😊
Work
~ Medyo naiisip ko na ulit mag work ah. Mag work na kaya ako ulit? Ang liit kasi nang circle of friends ko. Ano ba ‘to, bakit ako ganto? Hindi ako magimik. 😭 Sobrang home body ko!! Wala akong social life. Bakit? Hays! O baka hindi lang ako swerte sa friends? Yung makakasama anywhere ganon.. Hindi ko alam! Haha. Dati gala naman ako eh, mas gusto ko gumala ngayon kapag family yung kasama ko. 😂 Ano ba 'to. Haha! Wala lang, naisip ko lang.
DRIVERS!
~ Bakit ba may mga drivers na gahaman sa daan? Mga hindi marunong mag bigay. Taeng tae ba kayo? Mga drivers na sisingit pero hindi marunong mag signal. Bwisit na bwisit ako. May mga tao din na sa kalsada naglalakad samantalang may daang tao naman. Anong klaseng pag iisip yan mga kapatid? Hayyy, nakakaloka. Kailangan nang matinding pasensya eh. 😓😓
